Miyerkules, Oktubre 3, 2012

(Khristine Mae Carpiso)






Si Maria Rosa Vilma Tuazon Santos-Recto o mas kilala bilang Vilma Santos (Ate Vi) ay ipinanganak noong Nobyembre 3, 1953 sa  Galang's Maternity Clinic sa Trozo, Magdalena, Tondo Manila. Siya ay anak nina  Amado Santos na tubong Bamban, Tarlac at  Milagros Tuazon na tubong San Isidro, Nueva Ecija. Bata pa lamang si Vilma Santos ay hilig na talaga nya ang pagarte sa harap ng maraming tao at ito'y nasa dugo na nya kaya naman hindi maitatangi na napakahusay niya at dekalibreng aktres na siya ngayon kaya naman siya ay tinawag na "STAR FOR ALL SEASON". Siya ay dating punong bayan ng Lungsod ng Lipa na itinuturing kauna-unahan na nanalong babaeng punong bayan sa nasabing lungsod at kasalukuyang gobernadora ng probinsya ng Batangas. Si Vilma Santos ay kasalukuyang asawa ni Senador Ralph Recto at may dalawang anak na lalaki na ang pangalang ay Ryan Christian Recto at Luis Manzano na anak niya sa dating asawa na si Edu Manzano. Nagumpisa ang pag-aartista ni Vilma Santos noong pinilit siya ng kanyang Tito na cameraman sa Sampaguita Pictures na magodisyon sa Trudis Liit na gawa o hawak ng Sampaguita Pictures. Nakuha nya ang bidang karakter na si Trudis Liit at naguwi ng gantimpala bilang "Best Child Performer for 1963" at doon ay nagsimula na ang kabila't kabilang pagkuha sa kanya sa pelikula bilang bida na talaga namang tinangkilik ng mga manunuod.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento