http://www.people.nfo.ph/celebrity/actress/vilma-santos/
Miyerkules, Oktubre 10, 2012
(Johanna Caoile)
(Jenica Castel)
- Direk Edgar Mortiz aka ”Direk Bobot”
Si Direk Bobot ay kanyang naging
katambalan ni Vilma sa telebisyon at nauwi sa totoong buhay. Ang unang palabas na pinagtambalan nila ay ang
Sixteen (1970) kasama pa nila ang mga sikat na artistang sila
Boy Alano, Gina Alajar at marami pang iba. Nagustuhan ng karamihan ang kanilang
pagtatambalan kaya naman ay nadagdagan pa ng iba’t iba pang mga palabas tulad
na lamang ng The Young Idols, Songs and Lovers, Sweethearts, Sixteen, Love
Letters, Love for the Two of Us, Mga Batang Bangketa, My Pledge of Love, renee
Rose, Baby Vi, Because You are Mine, Edgar Loves Vilma, From the Bottom of my
Heart, I Love you Honey.
Ang
kanilang pagibig na tambalan ay nauwi sa totohanan at si Direk Bobot ay ang
kauna-unahang nagging nobyo ni Vilma santos.
- Edu Manzano
Ang buong pangalan ni Edu ay Eduardo Lorenzo Barrios
Manzano. Siya ay kinikilalang isang sikat din na
artista tulad ni Vilma. Halos magkasabay sila sa pagaartista nuong sila ay nasa
murang idad pa. Marami na rin ang mga nagging pelikula at palabas ni Edu. Sila
ay nagsama at nagging mag nobyo na kinikilala ng mga tao dahil sa sikat sila.
Siya ang unang nagging asawa ni Vilma. Nagkaroon sila ng anak na ipinangalanan
na Luis Manzano. Sa ikinasamaang palad. Hindi sila nagsasangayon pagdatign sa
madaming bagay kaya naman sila ay nagpasyang maghiwalay na lamang.
- Luis Manzano
Si Luiz
Manzano o ikinikilala ring si “Lucky” Manzano ay ang anak nila Edu at Vilma.
Siya ay isinilang nuong Abril 21, 1980.
Pumasok din siya sa mundo ng showbiz simula nuong siya ay bata pa.
Matagal na siyang kinikilala ng karamihan dahl ang kanyang mga magulang ay
sikat. Ipinangalanan sya ng kanyang ina na “Lucky” dahil pagkatapos siyang
isilang ay nagging maswerte sa showbiz at lalo pang nagkaroon ng maraming
proyekto si Vilma. Ayon sa kanya, yun ang mga panahon na sobrang saya ng
kanyang karir. Kahit na naghiwalay na si Vilma at si Edu, nananatiling mahigpit
ang kanyang relasyon sa bawat magulang. Isa sila sa pinaka kilalang pamilya sa
mundo ng showbiz.
- Ralph Recto
Si Ralph Recto ay isang politisyan sa Pilipinas. Siya ay sang representatibo ng “House of Representatives” sa gobyerno. Kinikilala siya bilang ang kasalukuyang asawa ni Vilma Santos. Ang kanilang romansya ay nagumpisa mahigit bente pung taon na ang nakakalipas. Ayon sa mga artikulo sa internet at sa telebisyon, sila ay unang nagkakilala sa isang party. Isang taon at kalahati na ang nakakalipas nuong si Vilma ay mahiwalay sa kakiyang unang asawa na si Edu, nagpasya siya na panahon na rin upang magsaya. Ayaw niyang magpaka martirkung gayin naman ay pinanitili niyang bukas ang kanyang pinto sa mga maaring lalaking dadating sa kanyang landas. At dun niya nga nakilala si Ralph. Nagtagal silang magnobyo’t nobya ng syeteng taon at nagpasyang magpakasal nuong Desyembre 11, 1992 sa Lipa, Batangas. Sila pa rin ay kasalukuyang nagsasama. Nagkaroon din sila ng anak na ipinangalanan na Ryan Christian Recto.
- Ryan Christian Recto
Si Ralph ay
ipinanganak nuong Marso 29, 1996. Siya ang panganay nila Vilma at Recto. Ayon
sa media, mas interesdo siya sa politiko kesa sa pagpasok sa mundo ng showbiz. Sa
kasalukuyan, maayos ang kanyang relasyon sa kanyang kalahati sa dugong kapatid
na si Luiz Manzano, ayon din sa mga tabloids at bali-balita, madalas magsama
ang dalawa at nagbobowling, nanunuod sa sine at kung ano ano pa.
- Nora Aunor
Si Nora
Aunor ay ipinanganak nuong Mayo 21, 1953. Nadanasan na niyang magtrabaho bilang
magtitinda ng malamig na tubig sa gilid ng riles nuong siya ay bata pa sa
kaniyang tinitirhan na sa Iriga, Camarines Sur. Ganap siyang singer at
nagumpisa sa showbiz nuong siya ay bata pa. Siya ay kinikilala bilang
“Superstar” sa mundo gn showbiz. Kinikilala din syang matagal na karibal sa
telebisyon ni Vilma. Ang pagtatalo ng mga tagapaghanga ng dalawa para sa
ipapahayag kugn sino ang karapat dapat na tawaging “National Artist” ay isang
naging malaking kontrobersiya. Pero sa totoong buhay ay wala naming
namamagitang alitan o galit sa kanilang dalawa. Kilala silang pareho sa dami ng
kanilang pelikula, palabas, teleserye at roles na nagampanan sa buong panahon
na sila ay nagaartista.
(Abigail Cariaga)
Iba pang blog kay Vilma Santos:
Photos:
Marking Vilma's 50th year anniversary in showbiz, The Healing will also feature a stellar ensemble cast lead by Kim Chiu, Janice de Belen, Pokwang, Martin del Rosario and Daria Ramirez. It was Graded A by the Cinema Evaluation Board and given an R18 (director's cut) and R13 rating by the MTRCB to cater to a larger audience.
“Darna at Ding, Vilma’s fourth and final portrayal of Darna, takes her to another wild adventure, this time with her younger brother Ding. When a mysterious stone falls into the hands of Narda, she finds out that the stone is an amulet that gives her super power. This is the start of the many adventures of Darna, that have her battling with the evil sorceress Lei Ming and Hawk Woman. A whole new adventure with the popular Philippine heroine, Darna at Ding is another classic worth watching.”
Philippine movie queens, superstars and so-called divas have come and gone. They are either dead, in total or semiretirement, relegated to supporting roles, or had a reversal of fortune. Forty-two years in the acting business and fiftysomething, a death knell for any movie queen, Vilma Santos, the Philippines’ Star for All Seasons, remained formidable in her enviable stature as the countrys highest paid, most awarded dramatic actress and perhaps the longest reigning movie and box-office queen title holder. Known as Baby Vi, Ate Vi, or Vi to her fans and colleagues, the unsinkable Queen Star is not only known for her acting prowess but also, to the surprise of doomsayers and detractors, a very capable and effective Mayor of Lipa city, Batangas. Having no college degree nor experience in governance and public service, three-term elected Mayor Santos has turned husband Sen. Ralph Recto’s town as one of the most progressive cities in the country. Balikbayans, visitors, tourists and the curious have only but praises for the changes in Lipa, its growth and development since Mayor Vilma took charged. For her excellent governance and management of Lipa, she has received various recognitions/citations/awards from both the public and the private sector. And in two national surveys, Vilma came out on top, number 6 and 86, as the country’s most influential/admired people.
Miyerkules, Oktubre 3, 2012
(Khristine Mae Carpiso)
Si Maria Rosa Vilma Tuazon Santos-Recto o mas kilala bilang Vilma Santos (Ate Vi) ay ipinanganak noong Nobyembre 3, 1953 sa Galang's Maternity Clinic sa
Trozo, Magdalena, Tondo Manila. Siya ay anak nina Amado Santos na tubong Bamban, Tarlac at Milagros Tuazon na tubong San Isidro, Nueva Ecija. Bata pa lamang si Vilma Santos ay hilig na talaga nya ang pagarte sa harap ng maraming tao at ito'y nasa dugo na nya kaya naman hindi maitatangi na napakahusay niya at dekalibreng aktres na siya ngayon kaya naman siya ay tinawag na "STAR FOR ALL SEASON". Siya ay dating punong bayan ng Lungsod ng Lipa na itinuturing kauna-unahan na nanalong babaeng punong bayan sa nasabing lungsod at kasalukuyang gobernadora ng probinsya ng Batangas. Si Vilma Santos ay kasalukuyang asawa ni Senador Ralph Recto at may dalawang anak na lalaki na ang pangalang ay Ryan Christian Recto at Luis Manzano na anak niya sa dating asawa na si Edu Manzano. Nagumpisa ang pag-aartista ni Vilma Santos noong pinilit siya ng kanyang Tito na cameraman sa Sampaguita Pictures na magodisyon sa Trudis Liit na gawa o hawak ng Sampaguita Pictures. Nakuha nya ang bidang karakter na si Trudis Liit at naguwi ng gantimpala bilang "Best Child Performer for 1963" at doon ay nagsimula na ang kabila't kabilang pagkuha sa kanya sa pelikula bilang bida na talaga namang tinangkilik ng mga manunuod.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)