Miyerkules, Oktubre 10, 2012

(Jenica Castel)







6 na artista tungkol kay Vilma Santos

  1. Direk Edgar Mortiz aka ”Direk Bobot”




Si Direk Bobot ay kanyang naging katambalan ni Vilma sa telebisyon at nauwi sa totoong buhay.  Ang unang palabas na pinagtambalan nila ay ang Sixteen (1970) kasama pa nila ang mga sikat na artistang sila
Boy Alano, Gina Alajar at marami pang iba.  Nagustuhan ng karamihan ang kanilang pagtatambalan kaya naman ay nadagdagan pa ng iba’t iba pang mga palabas tulad na lamang ng The Young Idols, Songs and Lovers, Sweethearts, Sixteen, Love Letters, Love for the Two of Us, Mga Batang Bangketa, My Pledge of Love, renee Rose, Baby Vi, Because You are Mine, Edgar Loves Vilma, From the Bottom of my Heart, I Love you Honey.
            Ang kanilang pagibig na tambalan ay nauwi sa totohanan at si Direk Bobot ay ang kauna-unahang nagging nobyo ni Vilma santos.



  1. Edu Manzano


Ang buong pangalan ni Edu ay Eduardo Lorenzo Barrios Manzano.  Siya ay kinikilalang isang sikat din na artista tulad ni Vilma. Halos magkasabay sila sa pagaartista nuong sila ay nasa murang idad pa. Marami na rin ang mga nagging pelikula at palabas ni Edu. Sila ay nagsama at nagging mag nobyo na kinikilala ng mga tao dahil sa sikat sila. Siya ang unang nagging asawa ni Vilma. Nagkaroon sila ng anak na ipinangalanan na Luis Manzano. Sa ikinasamaang palad. Hindi sila nagsasangayon pagdatign sa madaming bagay kaya naman sila ay nagpasyang maghiwalay na lamang.  





  1. Luis Manzano


            Si Luiz Manzano o ikinikilala ring si “Lucky” Manzano ay ang anak nila Edu at Vilma. Siya ay isinilang nuong Abril 21, 1980.  Pumasok din siya sa mundo ng showbiz simula nuong siya ay bata pa. Matagal na siyang kinikilala ng karamihan dahl ang kanyang mga magulang ay sikat. Ipinangalanan sya ng kanyang ina na “Lucky” dahil pagkatapos siyang isilang ay nagging maswerte sa showbiz at lalo pang nagkaroon ng maraming proyekto si Vilma. Ayon sa kanya, yun ang mga panahon na sobrang saya ng kanyang karir. Kahit na naghiwalay na si Vilma at si Edu, nananatiling mahigpit ang kanyang relasyon sa bawat magulang. Isa sila sa pinaka kilalang pamilya sa mundo ng showbiz.



  1. Ralph Recto



            Si Ralph Recto ay isang politisyan sa Pilipinas. Siya ay sang representatibo ng “House of Representatives” sa gobyerno. Kinikilala siya bilang ang kasalukuyang asawa ni Vilma Santos. Ang kanilang romansya ay nagumpisa mahigit bente pung taon na ang nakakalipas. Ayon sa mga artikulo sa internet at sa telebisyon, sila ay unang nagkakilala sa isang party. Isang taon at kalahati na ang nakakalipas nuong si Vilma ay mahiwalay sa kakiyang unang asawa na si Edu, nagpasya siya na panahon na rin upang magsaya. Ayaw niyang magpaka martirkung gayin naman ay pinanitili niyang bukas ang kanyang pinto sa mga maaring lalaking dadating sa kanyang landas. At dun niya nga nakilala si Ralph. Nagtagal silang magnobyo’t nobya ng syeteng taon at nagpasyang magpakasal nuong Desyembre 11, 1992 sa Lipa, Batangas. Sila pa rin ay kasalukuyang nagsasama. Nagkaroon din sila ng anak na ipinangalanan na Ryan Christian Recto.


  1. Ryan Christian Recto

            Si Ralph ay ipinanganak nuong Marso 29, 1996. Siya ang panganay nila Vilma at Recto. Ayon sa media, mas interesdo siya sa politiko kesa sa pagpasok sa mundo ng showbiz. Sa kasalukuyan, maayos ang kanyang relasyon sa kanyang kalahati sa dugong kapatid na si Luiz Manzano, ayon din sa mga tabloids at bali-balita, madalas magsama ang dalawa at nagbobowling, nanunuod sa sine at kung ano ano pa.


  1. Nora Aunor


                                                                                                                                                       
            Si Nora Aunor ay ipinanganak nuong Mayo 21, 1953. Nadanasan na niyang magtrabaho bilang magtitinda ng malamig na tubig sa gilid ng riles nuong siya ay bata pa sa kaniyang tinitirhan na sa Iriga, Camarines Sur. Ganap siyang singer at nagumpisa sa showbiz nuong siya ay bata pa. Siya ay kinikilala bilang “Superstar” sa mundo gn showbiz. Kinikilala din syang matagal na karibal sa telebisyon ni Vilma. Ang pagtatalo ng mga tagapaghanga ng dalawa para sa ipapahayag kugn sino ang karapat dapat na tawaging “National Artist” ay isang naging malaking kontrobersiya. Pero sa totoong buhay ay wala naming namamagitang alitan o galit sa kanilang dalawa. Kilala silang pareho sa dami ng kanilang pelikula, palabas, teleserye at roles na nagampanan sa buong panahon na sila ay nagaartista. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento